๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง

    0
    241

    August 30, 2024 – Sa gitna ng makulay at masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024, isang bituin ang sumikรฒ at sumilayโ€”si ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฌ๐˜‚ ang nanalo sa patimpalak na nagbigay tuwa naman sa Hawk Balangay at iba pang manonood. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang simbolo ng personal na tagumpay kundi pati na rin ng pagmamalaki sa sariling wika at kultura. Sa kanyang panalo, puno ng emosyon at pasasalamat ang kanyang puso.

    “๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด,” ika niya, habang binibigyang-diin ang damdamin ng kasiyahan at kagalakan. “Nasuklian ang lahat ng pagod, tulong, at suporta mula sa mga taong umagapay sa akin. Ito ang koronang pinagdasal at pinagtrabahuan namin.”

    Ayon sa kanya, ang pinakamalaking kontribusyon sa kanyang tagumpay ay ang kanyang pagiging desidido. “Hindi lang para sa aking sarili ang aking pagsusumikap, kundi para sa mga taong nagpakita ng pagmamahal at suporta sa akin. Ang tagumpay na ito ay alay ko sa aking tahanan sa akademya, ang Hawk Balangay, at higit sa lahat, sa Maykapal.”

    Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, layunin ni Binibini Ikaunang klase Yu na itaas ang kamalayan ng mga Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito. “Ang ganitong selebrasyon ay mahalaga upang mapalakas ang pagkakaisa at pagtangkilik sa ating sariling wika,” aniya. “Nais kong hikayatin ang ibaโ€™t ibang ahensiyang pampamahalaan at pribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko.”

    Nang tanungin kung ano nga ba ang naging pagsubok niya sa naturang patimpalak, bilang isang kadete, hindi naging madali para sakanya ang pag-adjust mula sa kanyang kinasanayan na combat shoes at sapatos pangtakbo patungo sa mga nagtataasang sapatos. “Sa umpisa, nahirapan akong maglakad, pero sa patuloy na pagsasanay at pagtulong sa sarili, nalampasan ko ito,” kwento niya. “Kahit masakit at nakakangalay, hindi ako hinubog ng akademya para sumuko sa simpleng pagsubok. Hinubog ako nito upang magtagumpay.”

    Bilang isang kadete at guro, ipinahayag niya ang kanyang layunin na maging inspirasyon sa mga kapwa Pilipino. “Bilang institusyon, maaari kong pangunahan ang mga mamamayan na ibigin ang sariling atin. Sa aktibong pakikilahok sa mga patimpalak tulad nito, mas pinagyayaman natin ang mga gawaing may kaugnayan sa Buwan ng Wikang Pambansa,” sabi niya. “Maaari akong maging susi upang maiangat ang antas ng kamalayan ng mga mamamayang Pilipino sa kahalagahan ng ating wika.โ€

    Ang tagumpay niya sa Buwan ng Wika 2024 ay hindi lamang pag-recognize ng kanyang personal na kakayahan kundi pati na rin ng kanyang dedikasyon sa pagpapalaganap ng pagmamalaki sa sariling wika at kultura. Sa huli, ang kanyang panalo ay isang paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga tropeyo o koronang tinatanggap kundi sa pag-angat at pagpapalaganap ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang isang lahi.

    Source: Kalasag – PNPA Corps Publications