๐๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง

    0
    224

    Sa pagwakas ng pagtatanghal ng ating makulay na kultura at Wikang Pambansa, hindi nagpahuli ang nasungkit na tagumpay ni
    ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฝ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜„ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น mula sa Bravo Balangay na hinirang bilang Ginoong Buwan ng Wika 2024 noong ika-30 ng Agosto taong 2024.

    Matatandaan ang bantog at mapanalig na kasagutan ni Unang Klase Perumal sa kaniyang nabunot na tanong โ€œKung hindi ikaw ang papalarin na manalo sa patimpalak na ito, sino ang nais mong manalo?โ€. Ipinamalas niya ang kaniyang galing at katapatang-loob na inihayag ang saloobin na ang karapatdapat na manalo ay isang ginoong may kakayahang maipakita sa buong mundo ang pagmamahal sa sariling wika at kakayahang maipaglaban ang Wikang Pambansa.

    Sa kabila ng kaba na naramdaman niya, nangibabaw ang saya at lubos na paglugod sa gantimpalang sinikap niyang makamit. Ayon sa kanya, mahalaga ang buwan ng wika dahil ito ay sagisag ng ating kalayaan at sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

    Hindi rin naging madali ang kaniyang karanasan sapagkat maraming hamon ang dumating sa kaniyang paghahanda para sa kompetisyon. โ€œHinarap ko ang mga hamon na ito habang isinapuso ang bawat suporta na aking natanggap na naging rason upang mas palakasin ang kompyansa sa aking sarili.โ€

    Humugot ng lakas at determinasyon si Unang Klase Perumal sa mga taong sumuporta sa kaniya upang lalong pagbutihan sa kompetisyon. โ€œAng aking pamilya at ang Bravo Balangay ay ang aking naging inspirasyon upang magwagi at matagumpay na masungkit ang titolong Ginoong Buwan ng Wika 2024โ€ aniya.

    Hinahangad niyang gamitin ang kaniyang titulo upang mas lalo pang pagtibayin ang wikang sinilangan at makapagbigay ng inspirasyon sa loob ng akademya. Siya ay isang patunay na hindi malayong makamit ang isang bagay kung pagsisikapan mo ito at kung buo ang tiwala sa sarili mo.

    Matapos man ang buwan ng Agosto, hindi magwawakas ang silakbo ng damdamin ng isang Pilipino na may layuning ipayabong ang ating kabihasnan sa patuloy na paniniwala sa kakayahan nitong payamanin ang ating lipunan.

    Source: Kalasag-PNP Corps Publication