
Sa buhay ng isang bagong Kadete o Plebo ng Philippine National Police Academy, ang mga katagang “Survive One Day at a Time” ay isa lamang sa mga kadalasang maririnig mo sa iyong mga Immediate Supervisors (IS) habang nasa breaking period ng cadetship program.

Dito ay sinasanay ang mga bagong kadete na harapin ang hamon at problema na hinaharap nila sa kasalukuyan, ito ay bunga ng mga pagbabagong dala ng pagsasanay sa Akademya mula nang sila ay manumpa upang maging Iskolar ng Bayan. Ang mga pagbabagong hindi nakasanayan ay maaring dulot ng pagod, gutom, at pagkawalay sa mga mahal sa buhay. Sa loob ng akademya, tinuturuan ang mga plebo na palaging gawing puntahin o layunin sa loob ng breaking period ang pag abot ng TAPS o ang “Time for All Personnel to Sleep” kung saan ito ang nagsisimbolo o ang tanda na nalagpasan mo na naman ang isang araw ng pakikipaglaban sa iyong sarili at ikaw ay isang hakbang na naman na mas malapit sa pag-abot sa iyong mga pangarap.
Reference: Common Things Around